Monday, July 27, 2009

- AKING MINANA -

*eto ang isang tulang ginawa ko at pnaghirapan ko .. sna mgustuhan nio *



I
LUMAKI ako s piling ni ina
nagka-isip sa tulong ng kanyang aruga
Ngunit kahit ganu'n malayo si ama
Hindi ipinagkait na makilala ko siya
II
Sa pamamagitan ng larawan ng aking nakita
Ang tunay niyang anyo at hitsura
Dayuhang mukha na totoong banyaga
Kulay ng balat, buhok at mata
III
Hindi maikakaila na ako ay anak niya
Imahe ay totoong aking minana skanya
Kaya't isang araw nang makabalita
Computer ang sinasabing aking pag-asa
IV
Internet café ay aking binabaran
Kahit pa ang sobrang taas ng babayaran
Dahil sa pananais na aking malaman
Kontak ky ama sa kanyang tinitirhan
V
Mapalad nga ko at aking natagpuan
Dahil buhay pa ang amang hirang
Nag-usap kami at nagkamustahan
Pagbabalik bayan ang pangakong binitawan..



-end







*inspirasyon ko dito ung kaibigan kong hndi nkilala ang magulang,dhl nga isang dayuhan,. sana nagustuhan nyo..*




:)

No comments:

Post a Comment